Hustisya mailap pa rin sa pamilya ng biktima ng hit and run sa Barcelona

 

 

Angelica Manongsong Dalisay

Angelica Manongsong Dalisay

For English please visit the following link: Still no justice for teen Pinay hit-and-run victim in Spain

Ni Daniel Infante Tuaño

Nagpamisa si Ginang Siony Manongsong Dalisay sa Iglesia de San Agustin sa Barcelona para sa yumaong anak na si Angelica, biktima ng hit and run.

Isang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa ina ang trahedya.

Nasagaan habang tumatawid ang 17-taong-gulang na si Angelica sa pedestrian lane sa Munisipalidad ng Gava sa Barcelona.

Ligtas ang kasamang anak at nobyo niya pero nahagip siya at binawian ng buhay dahil sa matinding sugat na natamo.

Ayon sa public attorney na ibinigay sa naulilang pamilya, kusang sumuko ang suspek dahil natunugan niyang mahuhuli na siya ng pulis base na rin sa nakuhang impormasyon sa mga testigo.

Nadistract umano ng celphone ang suspek habang nagmamaneho. Nadiskubri ring expired na ang driver’s license niya at hindi siya ang may-ari ng sasakyan.

Ang suspek ay kinasuhan ng homicide at failure to lend help to injured persons.

Kasalukuyan siyang nakalalaya, pero bawal siyang lumabas ng bansa at pinagrereport sa husgado kada lunes.

Naghihintay pa ng resolusyon mula sa husgado para makapagsampa ng “acusacion” o karampatang kaso laban sa suspek.

“Kung titingnan ko bilang optimista, makatwiran lang na sa loob ng isang taon, magkakaroon na ng hearing, dahil kontrolado na rin ang tema, alam na kung sino,” ani Atty. Ramon Ga Rojas Jaile sa Español.

Masama ang loob ni Ginang Siony sa mabagal na pag-usad ng kaso. Gusto na sana nilang makamit ang hustisya bago pa man iuwi ang abo ni Angelica sa Pilipinas.

“Hintay ka nang hintay, nakakasama ng loob. Gusto kong magalit pero kanino? Yun umiiyak na lang ako dahil habang nagsisindi ako ng kandila sa ceniza nya gabi-gabi gusto kong sabihin na ayan na may nangyari na sa kaso, may nanagot na sa gumawa sa iyo, pero wala, wala akong masabi dahil wala naman talaga. Sabi nga nila walang kasingsakit na mawalan ng isang anak,” ani Gng. Manongsong Dalisay

Nanawagan si Gng. Siony sa konsulado at mga asosasyong pilipino na tulungan siyang mapabilis ang resolusyon sa kaso.

Ang ulat na lumabas sa Balitang Global, TFC, ABS-CBN

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s